Nation

MATAPOS MABATIKOS, P4.3-M CHRISTMAS HAM AND CHEESE BIDDING KINANSELA NG DEPED

KINANSELA noong Sabado ng Department of Education ang bidding para sa supply at delivery ng mga ham at cheese para sa Christmas celebration ng central office ng ahensiya.

/ 15 November 2020

KINANSELA noong Sabado ng Department of Education ang bidding para sa supply at delivery ng mga ham at cheese para sa Christmas celebration ng central office ng ahensiya.

Ang imbitasyon para sa nasabing bidding ay ipinost ng ahensiya sa kanilang website noong Nobyembre 12, isang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng Luzon.

Subalit kinansela ito sa araw mismo na inuulan ng batikos ang ahensiya mula sa mga netizen. Ayon sa ilang netizens, napakamanhid naman ng DepEd kung gagawin nila ito habang dumaranas ng kalamidad ang maraming Filipino at habang hindi natutugunan ang mga pangangailangan ng mga guro.

Sinasabi rin ng ilan na overpriced ang mga ham at cheese.

Ang invitation to bid ay may approved budget contract na P4.278 million para sa 4,260 piraso ng ham na nagkakahalaga ng P2.982 million at 2,160 piraso ng cheese na nagkakahalaga ng P1.296 million.

Sa kasalukuyan ay inalis na sa kanilang website ang nasabing post.

“The call for bidding has been cancelled. It was a regular procurement but it is inappropriate at this time when our employees are severely affected by recent disasters,” sabi ng DepEd sa opisyal na pahayag nito.

“We have since reallocated the funds for the needs of those affected by typhoons Rolly and Ulysses and the ongoing Covid19 effort for our employees. Other regional and division offices not affected by the typhoons have also pitched in to help our teachers and learners on the ground.

After Bicol, our Undersecretaries for Field Operations and Administration will also visit our schools in Cagayan soonest to check the needs of our schools,” paliwanag pa ng ahensiya.

Sinabi ng DepEd na nananatiling prayoridad ang kapakanan ng mga guro at mag-aaral lalong- lalo na sa mga panahong ito.

Paliwanag ni DepEd Public Affairs Service chief June Arvin Gudoy, naka-budget na ito noong isang taon pa para sa mga empleyado ng ahensiya.

“This is a regular procurement, allocated beforehand like other government agencies during this season,” sabi ni Gudoy.

Ikinatuwa naman ng Teachers’ Dignity Coalition ang naturang desisyon ng DepEd.

“We are pleased that the DepEd has cancelled its bidding for ham and cheese amounting to more than P4.2 million for the Christmas celebration in central office,” pahayag ni Benjo Basas, ang national chair ng grupo, sa isang statement.

“It only shows that the initial decision, was indeed unnecessary and insensitive. However, this also shows how DepEd sets priorities and violates its own rules,” dagdag ni Basas.

Sinabi ng TDC na taliwas ito sa DepEd Order No. 114, s. 2009 na nagsasaad na ang Christmas celebration sa DepEd ay dapat na maging simple subalit makabuluhan at sa katunayan ay hinihikayat ang field na i-divert ang mga pondo o savings sa donasyon para sa mga komunidad na apektado ng mga kalamidad.