Nation

MAS PINABILIS, MAS PINALAKAS NA GLOBE AT HOME PREPAID WIFI ANG KAILANGAN MO SA NEW NORMAL

/ 27 January 2021

MARAMING binago ang pandemya sa pamumuhay ng mga Filipino.

Dahil limitado ang face-to-face na pakikipag-usap, dito makikita ang importansiya ng maayos at maaasahang internet connection.

Kaya naglabas ang Globe ng ‘mas pinalakas at mas mabilis’ na Globe prepaid LTE modem, na swak pa sa budget.

Doble ang bilis ng bagong Globe At Home LTE-Advanced modem kumpara sa naunang model nito dahil pinalakas ito ng tinatawag na “boosters”.

“Tinaasan ng Globe home prepaid WiFi ang kalibre ng broadband hindi lang dahil sa mas malaking capacity nito, pero dahil sa pagiging abot-kaya at accessible nito sa mga Filipino. Great choice ito sa mga pamilya dahil maliban sa maraming puwedeng gumamit, madali itong lagyan ng load at maraming options na budget-friendly,” sabi ni Darius Delgado, Vice President and Head of Broadband Business at Globe.

Magagamit ang mas pinalakas na Globe At Home Prepaid WiFi sa pamamagitan ng ilang promo offers na may freebies, depende sa budget ng customer.

“Para makasabay ang bawat miyembro ng pamilya sa araw-araw na responsibilidad tinitiyak ng Globe na may affordable HomeWATCH at HomeSURF offers na may kasamang mas malaking data allocation na higit pa sa kailangan nila sa pang araw-araw,” dagdag ni Delgado.

Maaaring makakuha ng Globe At Home Prepaid WiFi kits sa www.shop.globe.com.ph, sa pinakamalapit na Globe store, o sa iba’t ibang authorized channels, kasama na ang GCash.  Ang mga promos naman ay maaaring mabili sa Globe At Home, GCash and Globe One apps at sa inyong suking tindahan.

Tuloy-tuloy rin ang pagsusumikap ng Globe para mapabuti ang network performance nito. Nagbunga ito ngayon ng mas abot-kaya at mas mabilis na serbisyo para sa Globe broadband customers.

60 porsiyento na ang ibinaba sa presyo ng bawat gigabyte  mula 2016 para sa lahat ng Globe broadband services, kabilang ang Globe at Home Prepaid WiFi, Globe at Home Postpaid Wired, at Globe at Home Postpaid LTE.

Kasabay ng pagbaba ng presyo, ang pagtaas naman ng average download speeds ng bansa.

Nitong Disyembre, ang average mobile download speed ay nasa 22.5 Mbps, mas mataas kumpara sa 18.49 Mbps noong November 2020. Mayroon din itong upload speed na 6.03 Mbps at latency of 33 ms, ayon sa Speedtest® Global Index ng Ookla®, ang global leader sa internet testing and analysis.

Sa fixed broadband naman, ipinakita ng Ookla® data na ang Philippine average ay tumaas sa 31.44 Mbps noong December kumpara sa 28.68 Mbps noong November 2020.

Naglatag ang Globe ng tatlong istratehiya para marami pa ang magawang site upgrades na mapagaganda pa ng mobile at prepaid home internet experience ng mga customer.

Kasama rito ang agresibong pagpapatayo ng mga bagong cell towers, modernisasyon ng mga cell site nito sa 4G LTE technology gamit ang iba’t ibang mga frequency at pagpapabilis ng paglatag ng fiber sa buong bansa.

Suportado ng  Globe ang pagsusulong ng 10 United Nations Global Compact Principles at 10  United Nations Sustainable Development Goals (UNSDG), lalong-lalo na sa UNSDG goal number 9 na nagbibigay ng  importansiya sa papel na ginagampanan ng mga imprastraktura at mga makabagong pamamaraan para sa pag-usbong at pag-unlad ng mga ekonomiya sa buong mundo.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.globe.com.ph.