Nation

MARTIAL LAW EDUCATION ISINUSULONG

/ 26 February 2022

ITINUTULAK ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pagkakaroon ng Martial Law education sa bansa dahil malaking bahagi ito ng kasaysayan.

Sa isang press briefing, sinabi ni Carpio na kailangang maging bahagi ito ng curriculum sa eskuwelahan.

“That should be made part of the curriculum in grade school, high school and college because that’s part of our history, a very important part of our history,” pahayag ni Carpio, kasabay ng pagdiriwang ng ika-36 anibersaryo ng EDSA Revolution.

Sinabi naman ni Fr. Albert Alejo na may pagkukulang sa pagtuturo ng Martial Law sa nga eskuwelahan.

“Dapat noong panahon na iyon, ‘di sana nag-sponsor ng mga historian, ng mga textbook writer. May pagkukulang,” ani Alejo.

Sina Carpio at Alejo ay convenor ng oposisyon na 1Sambayan.

Samantala, sinabi ni economist JC Punongbayan na kailangang i-reintroduce sa mga high school student ang Martial Law.

Ayon kay Punongbayan, talamak ang disinformation sa social media kaya maaaring malantad ang mga nakababatang Pilipino sa mga maling salaysay na nakapaligid sa diktadura.