Nation

MARIKINA TODO PAGHAHANDA SA FACE-TO-FACE CLASSES

/ 31 July 2022

PUSPUSAN ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa muling pagbubukas ng face-to-face classes ngayong darating na school year.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, may nakahanda silang school plan para ipakita sa Department of Health ang kanilang paghahanda para sa full implementation ng in-person classes sa Nobyembre.

“So, meron kaming school plan that we want to present to the DOH kung ang aming strategy would be in conformity with their protocol,” wika ni Teodoro.

Ayon sa alkalde, hindi lamang pagsasaayos ng mga silid-aralan at ibang school facilities ang dapat paghandaan kundi maging ang pagtitiyak na nasusunod ang health protocols tulad ng pasgsusuot ng face masks, social distancing, at madalas na paghuhugas ng kamay.

“But more importantly, we would like to develop a resilient healthcare system,” dagdag pa ng alkalde.

Samantala, sinabi ni Teodoro na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagbabakuna at maski hindi taga-Marikina ay kanilang binabakunahan bilang bahagi pa rin ng kanilang paghahanda sa face-to-face classes.

“Layunin ng programang ito na ma-sustain ‘yung mga naumpisahan natin. If could possibly have other localities in order to achieve their target, we could extend the helping hand to them, lalong-lalo na ‘yung mga karatig-lugar natin,” ani Teodoro.

“We recognize the fact that our population is comminggling, so the possibility of infection is high if you have a Covid ring population. You cannot be safe not only on your own city but we can be safe on your own bubble,” dagdag pa ng alkalde.

Ayon sa pinakahuling tala ng city health office, nasa 146.09 percent ng general population sa lungsod ang nabigyan na ng booster shots. Sa bilang na ito, 71.01 percent ang nakatanggap ng unang booster shots habang 14.14 percent naman ang naturukan ng second booster.