Nation

MARCOS, DUTERTE-CARPIO PROKLAMADO NA BILANG BAGONG PRESIDENTE, VP

NAIPROKLAMA na ng Kongreso na umuupo bilang National Board of Canvassers sina President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

/ 25 May 2022

NAIPROKLAMA na ng Kongreso na umuupo bilang National Board of Canvassers sina President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Personal na nagtungo sa Batasan Pambansa nitong Miyerkoles ng gabi sina Marcos at Duterte-Carpio para sa kanilang proklamasyon.

Sa ambush interview matapos ang proklamasyon, nanawagan si Marcos sa taumbayan na ipagdasal siya sa anim na taon niyang panunungkulan.

Sinabi ni Marcos na kaakibat ng nakuha niyang boto ay ang tiwala at pag-asa ng taumbayan kaya naman nangangako siya na pag-iibayuhin ang kanyang pamamahala sa bansa.

“We may not be perfect but we will alwasy strive for perfection…I am inspired by this responsibility that was given so I ask you all to pray for me and wish me well because when the President does well, the country does well,” pahayag ni Marcos.

Sa kabuuan, 171 ng 173 certificates of canvass ang nabilang makaraang hindi na umabot pa sa canvassing ang COC mula sa Argentina at Syria.

Nagdesisyon ang Joint Canvassing Committee na huwag nang hintayin pa ang mga COC dahil batay sa tala ay nasa mahigit 500 lamang ang registered voters sa naturang mga bansa at ang aktwal na bumoto ay nasa mahigit 100 lamang.

Sa kabuuan, 98.84 percent ng COC na may katumbas na 53,815,484 ang botong nabilang kung saan kabuuang 31,629,783 ang botong nakuha ni Marcos Jr.

Nasa kabuuang 32,208,417 naman ang botong nakuha ni Duterte-Carpio.