MANILA, MARIKINA STUDES BINIGYAN NG EDUCATIONAL ASSISTANCE
HALOS 300 estudyante sa mga lungsod ng Marikina at Maynila ang nabiyayaan ng educational assistance mula sa Ang Probinsyano Partylist.
Ang mga nasa high school ay tumanggap ng P2,000 hanggang P3,500 habang ang college students ay binigyan ng P5,000 upang maipandagdag sa kanilang school budget.
Katuwang ng Partylist group sa pamamahagi ng educational assistance ang Department of Social Welfare and Development na siyang namili ng mga benepisyaryo.
Ipinaalala ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Michael Chua ang mahalagang papel ng kabataan para sa kinabukasan ng bansa.
“Kami po ay naghahangad ng isang inklusibo at produktibong pag-aaral para sa lahat. Kung kaya kami po ay naririto upang maghatid ng kaunting tulong,” pahayag ni Chua.
Hinimok ni Chua ang mga estudyante na pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral dahil ito ang kanilang tulay para sa mas magandang kinabukasan.