MANDATORY MILITARY TRAINING INALMAHAN
TUTOL ang isang grupo ng mga estudyante sa pagsasabatas ng mandatory military training.
Sa halip, ayon sa National Union of Students of the Philippines, pagtuunan ng pansin ng Kongreso kung paano maibabalik ang mga estudyante sa kolehiyo sa pag-aaral.
Ayon kay Deputy Secretary General Aki Liongson ng NUSP, naniniwala sila na hindi kailangang magpasa ng batas kaugnay sa naturang training dahil marami pang problema na kailangang ikonsidera at iprayoridad sa sektor ng edukasyon.
Binigyang-diin niya na maraming mag-aaral ang tumigil sa pag-aaral dahil sa inflation, unemployment, at Covid19 pandemic.
Disyembre 15 nang aprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 6687 o ang Proposed National Citizens Service Training Program Act.