Nation

MANDATORY FEEDING PROGRAM SA K-12 STUDENTS

/ 9 August 2021

IPINANUKALA ni Manila Teachers Partylist Rep. Virgilio Lacson ang pagpapatupad ng mandatory feeding program sa lahat ng estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 12.

Sa kanyang House Bill 9616, sinabi ni Lacson na batay sa July 2020 survey, nasa 5.2 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng pagkagutom dahil sa kawalan ng makakain.

At bago pa man ang pandemya, nasa 95 na batang Pilipino ang namamatay kada araw dahil sa malnutrisyon.

“Food is the fuel necessary to get through our everyday lives. The calories we get from food provide the energy for our body to function properly and carry out activities. Nonetheless, this basic necessity is not a reality for many families in the Philippines,” pahayag ni Lacson sa kanyang explanatory note.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na malaking hadlang ang pagkagutom upang maayos na makakilos ang isang tao.

“It is a given fact that hungry and sick students can barely focus on their education, let alone attend their classes,” pagbibigay-diin pa ng mambabatas.

Sa kanyang panukala, mandato ng Department of Education na magpatupad ng school-based feeding program sa lahat ng public-school children mula sa Kinder hanggang Grade 12.

Ipatutupad ang programa sa buong school year kung saan isang meal kada araw ang ibibigay sa mga estudyante.