MANANABOTAHE SA DISTANCE LEARNING MAY PAGKALALAGYAN — DEPED
NAGBANTA si Education Secretary Leonor Briones na maghahain ng kaso laban sa mga indibidwal na nananabotahe sa kanilang ipinatutupad na distance learning, partikular ang mga sinasabing naninira sa kanilang self-learning modules.
Ito ay kasunod ng mga lumabas sa social media na laman umano ng modules ang mga bastos na pangalan (Pining Garcia, Abdul Salsani at Tina Moran) na itinanggi ng Department of Education na nagmula sa kanila.
“I would like to emphasize that the post is not used in schools in the first place and schools have not yet opened. It’s supposed to be a private school, it is a review center located in a very remote place in Zambales,” pahayag ni Briones sa pagdinig sa Senado sa kanilang budget para sa 2021.
“There is clearly malice involved. But that is what I believe kung hindi galing sa public, private schools and it is not used in schools because there are no classes yet and so we are very upset about it, especially myself,” dagdag pa ng kalihim.
“We are going to file privacy under the anti-privacy law and all possible laws action against these malicious attempts. It is really a sabotage of our programs, putting us in a bad light and it is clearly deliberate because it’s incredible for us to be coming out with materials like that since we are emphasizing good manners and right conduct,” paliwanag pa ni Briones.
Umapela naman si Education Undersecretary Diosdado San Antonio sa publiko na mag-ingat sa pinaniniwalaan sa mga post sa Facebook at maging sa pagpapakalat ng anumang impormasyon.
“One thing that we want to clarify is that not everything that will be posted on Facebook will be the output of DepEd. So I’ve been appealing that perhaps even if we post things in our DepEd Commons because, it is supposed to be a democratic way of building up on our learning resources,” pahayag ni San Antonio.
Idinagdag pa ni San Antonio na nang kanilang imbestigahan ang impormasyon, lumitaw na mula ito sa isang review center para sa mga guro at hindi para sa mga estudyante.
“Nonetheless, they are still dirty words, it is not appropriate at all pero hindi galing sa amin. Hindi naman. Kasi sometimes private schools produce their own materials so we are wondering why it is attributed to DepEd at all. Review center ito and it is for a particular subject for grown ups but it is not an excuse at all kasi it’s a review center for teachers and then we will take action on that,” dagdag pa ng opisyal.