Nation

MAKISAYA AT MAKATULONG KASAMA SINA HONNE, VANCE JOY, BEKA, SB19 ATBP SA G MUSIC FEST 2021!

/ 18 September 2021

SA PANAHON ngayon na hindi makapagtipon o makapunta sa mga concert tulad ng dati, inihahatid muli ng Globe ang posibilidad na magkasama-sama tayo sa pag-enjoy ng ating mga paboritong kanta mula sa lokal at internasyonal na mga musical artists.

Ngayong Setyembre 25 at 26 ay magaganap muli ang G Music Fest kung saan mapapanood nang libre sina HONNE, Vance Joy, BEKA, SB19 at marami pang iba sa official Globe Facebook Page.

Sa Setyembre 25, ang mga artist ay magho-host ng isang fan meet na tinatawag na “Up Close” mula 5:30 p.m. hanggang 8:30 p.m.. Pagkatapos nito ay magaganap sa Setyembre 26 ang mas pinalaking online concert kung saan pasasayahin nila ang araw mo sa walang tigil na tugtugan at kantahan, pati na rin sa performances na exclusive lang para sa Pilipinas.

Ang G Music Fest 2021 ay bahagi ng taunang 917 celebration ng Globe bilang pasasalamat sa lahat ng mga Globe subscribers na patuloy na nagtitiwala sa serbisyo nito.

At para ma-enjoy nang lubusan ang #GDayEveryday, magbibigay rin ng libreng 2GB na data ang Globe para magamit sa virtual concert kaya hindi mo na aalalahanin pa ang load. Para makuha ito, buksan ang new GlobeOne app. Matapos magrehistro, ang libreng data ay maaaring ma-redeem sa ilalim ng seksyon ng Rewards.

Ayon kay Bianca Wong, head ng Feel Valued Tribe ng Globe, “Nais naming maging platform ang 917 celebration para maiangat ang buhay ng mga Pilipino at makapagbigay ng pag-asa para sa mas maraming tao at makapagbigay saya kahit sa simpleng paraan, tulad ng music. Kaya hinihikayat namin ang lahat na makibahagi sa mga GDay activities na tumutulong din sa mga kababayan natin na nangangailangan.”

Ang lokal na indie band na si I Belong to the Zoo ay nangakong magbibigay ng donasyon sa Philippine Animal Welfare Society. Ang pagsuporta ng IBTTZ sa PAWS ay kasama sa kanilang personal na adbokasiya.

Ang mga Globe subscriber ay puwede ring makatulong sa pamamagitan ng new GlobeOne App, kung saan puwede silang mag-donate ng kanilang Rewards points sa anumang charitable institution at foundation na sinusuportahan ng Globe. Kailangan lang hanapin ang Rewards, at i-tap ang Donate.

Maaari nang i-download ang bagong GlobeOne Super App sa Google Play Store para sa mga android users at sa Apple App Store para sa mga iOS users.

Markahan na ang inyong mga kalendaryo para sa G Music Fest! Para sa mas malawak na impormasyon, bisitahin ang https://glbe.co/GMusicFest2021.

Para sa karagdagang impormasyon naman tungkol sa Globe Rewards, bisitahin ang website: www.globe.com.ph.