MAKATI STUDENTS TUTURUAN SA BASIC FIRST AIDE, DISASTER MANAGEMENT AT ANTI-SMOKING
LUMAGDA sa kasunduan ang Metropolitan Manila Development Authority at Deparment of Education – Makati City upang magbigay ng lecture-seminar kaugnay sa anti-smoking, anti-vaping, basic first aid at disaster management sa mga estudyante sa lungsod.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Romando Artes, ang hakbang ay bahagi ng kanilang pagsisikap na makapagbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral hinggil sa epekto sa kalusugan ng paninigarilyo, paggamit ng vape, at second hand smoke.
Magiging susi, aniya, ito para magkaroon ng smoke free at healthy environment sa mga paaralan.
“The MMDA believes that one of the keys to a successful implementation and sustainability of an integrated health program is the active involvement and participation of partner organizations and school communities in identifying problems brought about by smoking and vaping, seeking for feasible solutions and tapping into existing resources,” ayon kay Artes.
Ang MMDA Health Public Safety and Enviromental Protection Office ang mangunguna sa lecture and discussion sa mga kabataan.
Bukod dito, magkakaroon din ng orientation tungkol sa anti-littering, kasama na rin ang basic first aid and disaster management for incident para sa sunog, pagbaha at lindol.
Face-to-face ang magiging talakayan at may 50 estudyante kada sesyon at eskuwelahan kung saan may junior at senior high school students.