Nation

MAKATI CITY LEARNERS NA NAKAKUMPLETO NG SY 2020-2021 MAY INSENTIBO

/ 15 May 2021

GAGANTIMPALAAN ng pamahalaang lokal ng Makati ang mga mag-aaral na nagsumikap para matapos ang pag-aaral sa unang taon ng blended learning.

Sa anunsiyo ng pamahalaang lungsod sa kanilang official Facebook page, ngayong araw sisimulan ang pamimigay ng School Year-end Incentive para sa #ProudMakatizenStudents na nakatapos ng school year 2020-2021.

Upang maging maayos at ligtas, payo ng LGU sa mga benepisyaryo na hintayin ang anunsiyo ng mga schoo principal para sa iskedyul ng distribusyon ng insentibo.

Mahigpit na paalala na huwag kaligtaang dalhin ang ID ng magulang na kukuha ng incentive, school ID ng mag-aaral at sariling ballpen.

Pinaaalalahanan din ang lahat na magsuot ng face mask, face shield at sumunod sa physical distancing na ipinatutupad ng lungsod.

Layunin ng hakbang na maengganyo ang mga kabataan na mag-aral sa susunod na pagbubukas ng klase na bukod sa matututo ay may insentibong naghihintay.