Nation

MAIL-IN VOTING SA MGA GURO AT MAG-AARAL SA 2022 POLLS – LAWMAKER

/ 13 November 2020

NAIS ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago na payagan din ng Kongreso ang mga guro at mga mag-aaral na bumoto via mail-in matapos na sang-ayunan ito ng maraming kongresista sa isang pagdinig ukol sa paghahanda para sa 2022 election.

Ayon kay Elago, ang mail-in voting ay kailangan ng mga mag-aaral, guro, manggagawa at senior citizen, lalo pa iyong mga nagtatrabaho sa Maynila na hindi agad makauuwi sa probinsya para makaboto.

Gayundin, ang Mayo 2022 ay isa sa mga pinakaabalang buwan para sa mga pamantasan sapagkat dahil sa academic calendar shift at Covid19 pandemic ay tatapat ito sa pagkukumpleto ng mga pinal na pagsusulit at proyekto ng mga mag-aaral.

Nakaangkla si Elago sa panukalang batas na isinumite ni Marikina Congressman Stella Luz Quimbo kaugnay sa mail-in voting na sa unang borador ay limitado sa senior citizens.

Ang posisyon ni Elago at panukala ni Quimbo ay sinuportahan ni Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin.

Ayon kay Garbin, dapat agad pag-aralan ang iskemang mail-in para mabawasan ang panganib ng hawahan ng Covid19 sa voting precinct, lalo sa mga matatanda at mga bata.

Subalit ang pinoproblema ni Garbin ay ang usaping lohistika.

“It is common knowledge that our postal system is not in the best condition, more so in the far- flung areas. We can take judicial notice that the delivery of mails is snail-paced. In fact, some mails would be lost while in transit. There are even disturbing reports that mails were being opened by syndicates to look for cash,” paliwanag niya.

Mabilis pa umanong madadaya at mamamanipula ng sinumang politikong mayroong naising mandaya ng resulta ng eleksyon.

“This risk is too big to take considering that our democratic system of government is hinged, not only on the actual integrity of the elections but also in its apparent integrity,” dagdag pa ng kongresista.