Nation

LIVELIHOOD TRAININGS HANDOG SA PASAYENOS

/ 4 January 2021

DALAWAMPU’T limang Pasayeño ang nagsipagtapos sa food processing training on salting na ginanap sa Eduardo ‘Duay’ Calixto Training Center mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 12, 2020.

Ang mga trainee ay tinuruan sa paggawa ng ham, smoked fish, tocino, skinless longganisa, at salted eggs.

Nasa 25 din ang lumahok sa food processing training on sugar concentrates na isinagawa sa pamamagitan ng magkasanib na online class at face-to-face class mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 17.

Sila at tinuruan sa paggawa ng mango jam, calamansi juice concentrate at guyabano juice concentrate.

Ito ay kabilang sa iba’t ibang livelihood trainings na handog nina Mayor Emi Calixto-Rubiano, Congressman Tony Calixto at ng kabuuan ng Pasay LGU upang matulungan ang mga Pasayeño na magkaroon ng kaalaman at kasanayan sa trabaho at negosyo upang mapaunlad nila ang kanilang buhay.

Ang mga nagiging kalahok sa naturang libreng trainings, na nagmumula sa iba’t ibang barangay ng Pasay, ay binibigyan din ng allowance.

Ang mga interesadong sumali sa mga susunod na trainings ay iniimbitahang makipag-ugnayan sa Office of the Mayor o kay Mr. Vic Sangil, coordinator ng Eduardo ‘Duay’Calixto Training Center.