LITERACY COORDINATING COUNCIL PALAKASIN — SOLON
NAIS ni Paranaque City Rep. Joy Myra Tambunting na palakasin ang kapangyarihan ng Literacy Coordinating Council sa paglalatag ng support mechanism para sa ahensiya..
Sa kanyang House Bill 10299 o ang proposed National Literacy Council Act, isinusulong ni Tambunting na gawin nang nasyunal ang saklaw ng Literacy Coordinating Council.
Sa kanyang panukala, ang National Literacy Council ang magsisilbing lead inter-agency coordinating and advisory body ng iba’t ibang ahensya, lokal na pamahalaan at pribadong sektor.
“Literacy plays a vital role in transforming students into socially engaged citizen. It enables people to participate fully in society and contributes to the improvement of livelihood,” pahayag ni Tambunting sa kanyang explanatory note.
Sa ilalim ng panukala, aamyendahan ang Republic Act 7165 upang gawing National Literacy Council ang kasalukuyang LCC.
Bilang lead advisory at coordinating body, pangungunahan ng NLC ang pagbuo ng mga polisiya sa lahat ng literacy program ng bansa kabilang na ang pagrerekomenda ng mga bagong batas.
Babalangkas din ang konseho ng three-year roadmap upang targetin ang zero literacy sa bansa.