Nation

LIMITADONG F2F CLASSES APRUB SA 130 KOLEHIYO AT UNIBERSIDAD

NASA 130 kolehiyo at unibersidad  ang pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) sa limitadong face-to-face classes.

/ 11 September 2021

NASA 130 kolehiyo at unibersidad  ang pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) sa limitadong face-to-face classes.

Ayon kay CHED Executive Director Atty. Cenderilla Filipina Benitez-Jaro, inaprubahan na ng Malakanyang ang endorsement ng Komisyon para sa pagbabalik-eskuwela sa kolehiyo.

Gayunman, nilinaw ni Benitez-Jaro na tanging mga medical at allied courses muna ang isasalang sa face-to-face classes sa pagbubukas ng klase ngayong Setyembre.

Kabilang sa mga tinukoy na allied courses ang Medicine, Nursing, Physical Therapy, Midwifery, Medical Technology /Medical Laboratory Science, Public Health, Speech Language Pathology at Dentistry.

Pinayagan din ang mga kursong Respiratory Therapy, Pharmacy at Radiology Technology.

Sa isang Memorandum mula sa Executive Secretary ay iniutos ng Malakanyang na tiyakin ang pagkakaroon ng guidelines ng CHED na masusunod ang lahat ng health protocols sa mga paaralan na papayagang magssgawa ng in-person classes simula sa Setyembre 23.