Nation

LICENSURE EXAMS TULOY NA SA HULYO

/ 5 June 2021

PINAGBIGYAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang kahilingan ng Professional Regulation Commission na magsagawa ng licensure examinations.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pansamantalang pinayagan ang pagsasagawa ng pagsusulit mula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon.

Ang kahilingan ng PRC ay inaprubahan ng IATF MEID noong Hunyo 3 sa ilalim ng Resolution No. 119.

Gayunman, ang pagkuha ng LE ay dapat alinsunod sa minimum health protocols upang maiwasan ang infection sa Covid19.

“The conduct of the examinations should be subject to strict monitoring and observance of minimum public health standards and health and safety protocols,” ayon kay Roque.

Dapat din aniyang maglabas ng guidelines ang PRC, Department of Health, at Philippine National Police para sa mga venue na pagdarausan ng face-to-face exams.

“The PRC is requested to submit the list of venues and dates of examiantions to the Metropolitan Manila Development Authority and the Philippine National Police Joint Task Force Covid Shield for the mobilization of necessary resources to ensure the safe conduct of examinations,” sabi ng IATF.