Nation

LIBRENG UNIFORM SA PUBLIC SCHOOL STUDENTS SA SAN JUAN

/ 31 July 2023

BIBIYAYAAN ng San Juan City government ng libreng uniform ang mga mag-aaral sa elementary at high school sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, gandang-ganda siya sa mga estudyanteng naka-school uniform at kapag nakikita o nakakasalubong niya ang mga ito noong wala pa siya sa puwesto ay ipinangako niyang ililibre niya ito kapag nanalo.

Ngayong siya na ang ama ng lungsod, tutuparin niya ang pangarap na maging libre na ang school uniforms sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 12.

“Gandang-ganda ako sa libreng uniforms ng ating public school students, na matagal ko na sanang gustong gawin dati, ngunit siyempre hindi pa po ako mayor noon. Ngayong tayo’y mayor na ng San Juan, sabi ko dapat libre ang mga public school uniforms,” anang alkalde.

Bukod sa school uniforms ay bibigyan din ng rubber shoes ang mga mag-aaral.

“Ngayong nandiyan na ang libreng school uniforms ninyo, nakita ko na iba-iba ang inyong mga sapatos. Kaya itong school year na ito, lahat po ng Kinder students hanggang Grade 12 sa public schools ng San Juan ay bibigyan natin ng rubber shoes. Para meron na kayong uniforms, meron pa kayong rubber shoes,” dagdag pa ni Mayor Zamora.

Para maging maayos ang pagtanggap ng free uniforms at rubber shoes, dapat naka-enroll ang bata sa public school na sakop ng lungsod.