LIBRENG TAWAG, TEXT AT DATA HATID NG GLOBE SA MGA CUSTOMER NITO SA KAZAKHSTAN
SA GITNA ng gulo sa bansang Kazakhstan, magbibigay ng libreng tawag, text at data ang Globe sa mga customer nito na naipit doon. Layunin ng roaming services na ito na maabot ng mga customers ang kanilang mga mahal sa buhay para ipagbigay-alam ang kanilang kalagayan.
Magbibigay ng 15 minuto na incoming at outgoing na tawag, 15 texts sa lahat ng networks at 1GB data (depende sa available service) na magagamit sa loob ng pitong araw.
“We understand how connectivity is of utmost importance to our customers in Kazakhstan. We wish to provide them assistance to be able to reach out and communicate with their loved ones at home especially during these trying times which are also marked by an ongoing pandemic,” ayon kay Coco Domingo, Globe VP for Postpaid and International Business.
Kailangan lang mag-connect ng mga customer sa roaming partners ng Globe – Beeline (Kar-Tel) at Mobile Telecom-Service LLP para ma-enjoy ang free roaming service. Wala nang registration na gagawin dahil automatic na itong maipadadala sa mga customer ng Globe sa Kazakhstan.
Isang confirmation message ang ipadadala sa Globe customers para ipaalam na mayroon silang free roaming offer na puwede na nilang magamit.
Para makatawag, i-dial “+”+ country code + area code + telephone number (ex. +63773101212) or dial “+” + country code + mobile number (ex. +639171234567). To send a text, type “+”+ country code + mobile number (ex. +639171234567).
Para magamit ang libreng 1GB data allocation, i-on lang ang mobile data at data roaming at i-set ang network connection sa 3G o LTE. Para sa Postpaid customers, i-on lang ang mobile data at data roaming oras na matanggap ang activation message.
Ang sumisirit na presyo ng petrolyo ang pinag-ugatan ng isa sa pinakamalaking protesta sa bansang Kazakhstan, na tumuloy sa anti-government riots.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Globe Roaming services, pumunta sa www.globe.com.ph/international/roaming.