Nation

LIBRENG TABLET SA SAN JUAN PUBLIC SCHOOL STUDENTS

/ 27 August 2020

MAMAMAHAGI ang pamahalaang lokal ng San Juan City ng mga tablet sa mga mag-aaral para sa online distance learning sa darating na pasukan.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, lahat ng estudyante sa mga pampublikong paaralan mula Kinder hanggang Grade 12 ay makatatanggap.

Dagdag pa niya, kailangang sagutan ng mga magulang ang survey upang makuha ang kanilang impormasyon para sa pagpapadala ng tablet.

“Upang mapabuti ang serbisyong handog ng pamahalaang lungsod  ng San Juan, lalo na sa pagsigurong magkaroon ng tablet ang mga mag-aaral para sa online distance learning sa darating na pasukan, pinakikiusapan po ang mga magulang o guardian ng lahat ng mag-aaral sa pampublikong paaralan ng San Juan City mula Kinder hanggang Grade 12 na hindi pa nakapagsagot ng online survey na sagutan na po ito,” pahayag ng alkalde sa isang Facebook post.

Para sa online survey form, kailangang i-type ang https://bit.ly/3j9bgqR para masagutan ito.

Samantala, para naman sa mga walang internet connection, maaaring pumunta sa barangay o eskuwelahan upang kumuha  ng form.

Nagbigay ang pamahalaang lungsod ng hanggang Agosto 31 para isumite ang forms.