LIBRENG TABLET SA MGA MAG-AARAL NG PARAÑAQUE
MGA MAG-AARAL mula Kinder hanggang Grade 10 ang makatatanggap ng libreng tablet mula sa lokal na pamahalaan ng Parañaque, ayon kay Mayor Edwin Olivarez.
Pagpapalawig ito ng proyekto ng lungsod na ‘Balik Eskuwela’ sa panahon ng pandemya.
Noong nakaraang taon ay nakapagbigay na ng mga tablet para sa online class ang pamahalaang lungsod subalit dala ng kakapusan sa badyet, pawang mga Kindergarten at Grade 1 students lamang ang nakatanggap — isang gadget sa bawat pamilya.
“Kung mayroon po tayong tatlo, dalawang estudyante sa isang pamilya, isa po magse-share po sila roon,” wika ni Olivarez.
Bukod dito ay tuloy-tuloy rin ang suporta ng pamahalaan sa mga guro ng bayan.
Nakapamahagi na ng 1,500 laptops noong 2020 para sa mga guro na daragdagan pa sa mga susunod na buwan.