LIBRENG PABAHAY SA MGA GURO ISINUSULONG
ITINUTULAK ni Pinuno Partylist Rep. Howard Guintu ang panukala na magkakaloob ng libreng pabahay sa mga pampulikong guro.
Layon ng House Bill No. 1041 o ang proposed Free On-Site Living Quarters for Public School Teachers Act na mabawasan ang pasanin ng mga guro na gumuguguol ng mahabang oras sa pagbiyahe patungo sa eskuwelahan kung saan sila nagtuturo.
“This bill will address the problems of our public school teachers who need to travel though mountainous regions for long hours just to reach their designated schools,” pahayag ni Guinto.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, sinabi ni Guinto na mas praktikal para sa gobyerno na bigyan ng pabahay ang mga guro para makatipid sila sa pasahe at mas may maiuuwi pa para sa kanilang pamilya.
Sa Salary Standardization Law of 2019, ang posisyon ng Teacher 1 ay may suweldo na P25,349 kada buwan.
Sa ilalim ng panukala, ang Department of Education ay magbibigay ng free of charge na pabahay na itatayo malapit sa pampublikong paaralan kung saan sila nagtuturo.
Nakasaad din na hindi tatanggalin ang lahat ng kasalukuyang benepisyo at allowance na ibinibigay sa mga pampublikong paaralan.
“Providing a safe and livable environment for our public school teachers will help improve their employment and working conditions,” dagdag ni Guinto.