Nation

LIBRENG PA-PRINT, GAMIT NG COMPUTER SA MGA ESTUDYANTE SA MANILA

/ 15 October 2020

ISANG proyekto ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 842, Zone 92, District 6 sa Manila ang pagpapagamit ng computer sa mga estudyante.

Ayon sa Facebook post ng SK, ito ay para sa mga estudyante na walang internet connection o gadget sa kanilang mga tahanan upang matugunan ang pangangailangan sa distance learning.

Subalit ito ay limitado lamang sa isang oras kada tao at para lamang sa academic purposes at ‘first-come, first-served basis’ ito sa barangay.

Samantala, may libre ring pa-print ng mga academic paper works sa mga estudyante, subalit limitado ito sa 10 pahina kada estudyante at kailangang magdala ng papel kung sosobra pa ito.

Sabado at Linggo lamang ang araw na puwedeng magpa-print sa barangay at maaaring kunin tuwing Martes.

Patuloy rin ang pagsasagawa ng barangay ng mga proyekto upang makatulong sa distance learning sa mga estudyante.