Nation

LIBRENG LAPTOPS SA PUBLIC SCHOOL TEACHERS SA MUNTINLUPA

/ 20 October 2020

MAMAMAHAGI ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City ng mga laptop sa mga public school teacher bilang tugon sa distance learning.

Nasa 2,557 na laptops ang ipamimigay sa mga guro at 28 photocopiers sa mga pampublikong eskwelahan.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, sinisigurado ng lokal na pamahalaan na walang maiiwanang estudyante at guro sa distance learning.

“The City Government of Muntinlupa will continue to support our teachers and students to adapt to the changes of the education system, no one will be left behind. We will ensure that everyone can access all kinds of learning modalities whether online or offline,” sabi ni Mayor Fresnedi.

Samantala, magkakaroon din ng tablets ang mga estudyante na kanila ring gagamitin sa distance learning at inihahanda na ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi nito.

Kamakailan lamang ay itinurnover na ang mga ito sa school heads at school principals ng mga eskwelahan sa Muntinlupa.