Nation

LIBRENG KONSULTASYON SA DOKTOR AT DELIVERY NG GAMOT HATID NG HEALTHNOW SA MGA PINOY

/ 14 August 2021

SA PAGHARAP ng bansa sa mas matinding banta ng Covid19, minabuti ng HealthNow na magbigay ng libreng konsultasyong medikal at pag-deliver ng gamot sa mga gumagamit ng app sa pagdiriwang ng unang anibersaryo nito sa Agosto 20.

Sa loob ng isang araw na “HealthNow Day,” ang mga miyembro ng HealthNow ay maaaring agarang makipag-usap sa doktor para sa mga karaniwang sakit.  Puwede rin silang makapag-set ng appointment para sa mga espesyalista sa iba’t ibang karamdaman. Libre rin ang pag-deliver ng mga gamot na binili mula sa app at mayroon pa itong kasamang libreng Vitamin C.

“Masaya kami na ipagdiwang ang aming unang taong anibersaryo sa pamamagitan ng paghahatid ng serbisyo sa higit sa kalahating milyong mga gumagamit ng HealthNow para matulungan silang makuha ang pangangalaga na kailangan nila para sa kanilang sarili at sa kanilang mga mahal sa buhay,” ayon kay Susana Beatriz Latay, CEO ng HealthNow.

Dagdag pa niya:  “Sa oras ng paghihirap na ito, naghahanap ang mga tao ng mas mahusay na mga paraan para ma-access ang mga importanteng serbisyo gaya ng kalusugan. Dahil dito, kasama ang aming iba`t ibang mga partners, pangako namin na bigyan ang mga Pilipino ng mga pagpipilian para makatanggap ng patuloy ng pangangalaga.”

Ang HealthNow ay produkto ng 917Ventures ng Globe at AC Health.  Ito ay isang mobile app na naghahatid ng serbisyong medikal na kailangan ng mga pasyente para hindi na sila kailangang umalis ng bahay.  Ito ay lalong makatutulong na iwasang mahawa ang mga pasyente sa kumakalat na virus at iba pang mga sakit.

Maaaring kumonsulta sa doktor gamit ang video, humingi ng e-reseta, at bumili ng gamot at bitamina para ipadala sa kanilang tahanan.

Sa hinaharap na panahon, maaari na ring mag-book para sa kinakailangang home-service lab test, at magpabasa ng mga resulta ng eksaminasyon.

Kahit sino ay maaaring magparehistro sa HealthNow gamit ang numero ng kanilang mobile phone, email address, o maging ang kanilang Facebook account. I-download lamang ang app gamit ang Google Play oApp Store. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa HealthNow, bisitahin ang kanilang website.

Sinusuportahan ng Globe Group ang United Nations Sustainable Development Goal partikular ang UN SDG No. 3 na naglalayon ng maayos na kalusugan, at iba pa. Nakatuon ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng United Nations Global Compact at mag-ambag sa 10 UN SDGs.