LIBRENG INTERNET SA CAVITE PINALAWAK
PARA KAY Cavite Governor Jonvic Remulla, ang internet access ay karapatan at hindi pribilehiyo ng mga mamamayan.
Ito ay batay sa pinakahuli niyang pahayag sa Facebook kaugnay ng sanga-sanga niyang proyektong pangmag-aaral ngayong panahon ng pandemya.
Kaanlisabay ng pahayag ang nalalapit na pagtatapos ng mga kinakailangang dokumento upang maisakatuparan na ng kaniyang administrasyon, katuwang ang isang telecommunications company, ang paghahandog ng libreng internet connection para sa mga estudyanteng Caviteno.
“I am very happy to announce that the Province of Cavite is about to embark in a massive rollout of a FREE WiFi system that shall cover (up to 90%) of the residential areas,” pahayag ni Remulla sa Facebook nitong Agosto 18.
Nauna nang ipinagamit nang libre ang #CaviteFreeWiFi para sa mga nag-o-online class pero giit pa rin Remulla na hindi ito sapat para maabot ang pangangailangan ng buong lalawigan.
Pagbibigay-diin niya, “as much as the country has invested in infrastructure through the Build, Build, Build program, the government should also accelerate the infrastructure for broadband as well as the transformative ‘Internet of Things’.
Para sa mga itinuturing na ‘pag-asa ng bayan’, hindi nagdadalawang-isip ang pamahalaang panlalawigan na maglaan ng pinakamataas na posibleng badget para sa edukasyon.
“The internet should be a right and not a privilege,” tugon ni Remulla sa mga nagtatanong kung bakit siya maingay pagdating sa usapin ng internet connectivity.