LEARNING KITS IPINAMAHAGI SA 7K KABATAAN
NASA 7,000 kabataan na naka-enroll sa 118 daycare centers sa Las Pinas ang nakinabang sa learning kits na ipinamahagi ng lungsod.
Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na ang bawat learning kit ay naglalaman ng alphabets charts, colors, a iba’t ibang uri ng gulay; science, mathematics at writing books; at isang envelope na naglalaman ng bond paper, art paper, lapis, crayons, clay, gunting, glue, pambura at pantasa.
Bukod sa learning kits ay pinagkalooban din ang bawat estudyante ng mga daycare center ng uniporme, early childhood care and development checklist, at hygiene kits na may kasamang alcohol, toothpaste, toothbrush, face mask, baby wipes, face towel at nail cutter.
Binanggit din ni Calixto-Rubiano na ang pinakaimportanteng chart na nakasama sa learning kits ay ang EMI Habit (ensure to always wash your hands, mask is a must and implement physical distancing).
Pinangunahan ng mayora ang distribusyon ng learning kits sa covered courts sa 201 barangay sa lungsod sa tulong ni City Social Welfare and Development Office chief Angie Roa-Yu.
Ang programa ng lokal na pamahalaan para sa mga mag-aaral sa daycare centers ay bahagi rin ng kanyang HELP agenda — healthcare and housing, education, economic growth and environment, livelihood and lifestyle, peace and order, palengke at pamilya.