Nation

LEARNERS, TEACHERS SA LAS PIÑAS TATANGGAP NG INTERNET ALLOWANCE

/ 20 June 2021

UPANG magtuloy-tuloy ang pag-aaral sa online, bibigyan ng pamahalaang lokal ng Las Piñas ang nasa 2,000 estudyante ng internet allowance.

Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar na ang bawat estudyante ay makatatanggap ng P2,000 habang ang mga guro naman ay pagkakalooban ng tig- P1,000 para sa internet connectivity.

Aabot sa 2,514 estudyante ang magiging benepisyaryo ng P2,000 ayuda habang 84 guro naman mula sa Dr. Filemeon C. Aguilar Memorial College ang mabibiyaan ng allowance

Ayon kay Aguilar, ang ipamamahaging financial assistance ay malaking tulong sa mga estudyante at guro sa lungsod sa kanilang paggamit at pagbabayad ng internet para sa kanilang leksiyon via virtual learning.

Idinagdag pa ni Aguilar na patuloy ang pagbibigay ng suporta ng lokal na pamahalaan sa mga estudyante at guro sa unibersidad na pinatatakbo ng lungsod sa ilalim ng blended learning program ng gobyerno.