Nation

LEARNERS PROTEKTADO SA PNP CYBERCRIME WATCH

/ 9 July 2021

TINIYAK ni Philippine National Police  Chief, Gen. Guillermo Eleazar na kabilang sa binabantayan ng bagong programa ng Anti-Cybercrime Group na Cyber Crime Watch  ang mga mag-aaral laban sa  masasamang netizens.

Bunsod ng pandemya, malaking panahon ang ginugugol ng mga mag-aaral sa cyber space dahil sa online classes dahilan para makabisado ng mga bata ang mga search engine.

Dahil dito ay nalalantad ang mga mag-aaral na makipag-usap o makipag-interact sa hindi nila nakikita at ang masaklap ay mabiktima ng cyber criminals.

Upang hindi mapahamak, ipinaalala ng PNP chief sa mga magulang, guardian at guro na gabayan ang kanilang estudyante sa paggamit ng internet at alamin kung sino ang ka-chat ng mga ito.

Sakaling may kakaiba na sa pag-iisip at ikinikilos ng mga anak, gaya ng may hinihingi nang pera o kaya naman ay pagtatanong sa credit o debit card ay agad ipagbigay-alam sa pulisya at dito kikilos ang Cyber Crime Watch para tugisin ang cyber criminals.

“Kapag may nanghihingi na sa inyo magduda na kayo diyan. Alamin n’yo ang identity at tawagan n’yo kung kinakailangan. Hindi lang basta mag-rely sa mga text message and puwedeng i-report agad sa ating kapulisan particularly the ACG,” ayon kay Eleazar.

Kahapon ay pinangunahan ni Eleazar ang paglulunsad ng ACG na E-ACESS o Enchanced Anti-Cybercrime Campaign, Education, Safety and Security na may initial funds na P35 million para sa kanilang gadget and equipment.