LAWMAKER: FOOD SAFETY SA MGA ISKUL PAIGTINGIN
ISINUSULONG ni Sorsogon Rep. Evelina Escudero ang panukala para sa pagpapaigting ng pagpapatupad ng food safety standards sa lahat ng paaralan.
Sa House Bill 5520, nais ni Escudero na amyendahan ang Republic Act 10611 o ang Food Safety Act of 2013.
Ipinaalala ng kongresista na batay sa Konstitusyon, mandato ng estado na protektahan ang karapatan sa kalusugan ng taumbayan at magpatupad ng mga programa para sa health consciousness.
Sinabi ni Escudero na layon ng panukala na palakasin ang monitoring at implementasyon ng food safety standards sa mga school canteen o anumang eatery sa mga paaralan.
Minamandato rin ng House Bill 5520 ang employment ng Home Economics o iba pang kahalintulad at analogous courses o degrees graduates sa paaralan para magkaroon ng accountability mula sa school canteen owners at operators.
“Food safety as a policy issue in schools cannot be understood, especially in cases where foor sold or made available in schools results in food poisoning and unhealthy physical and mental wellbeing,” pahayag ni Escudero sa kanyang explanatory note.
Ipinaliwanag pa ng mambabatas na bagama’t nakasaad sa batas ang pagtutok sa mga paaralan sa food safety, kailangan din ng mga lokal na pamahalaan ng katuwang sa monitoring at implementasyon ng food safety standards.