Nation

LAS PIÑAS TEACHERS NAKATANGGAP NA NG TABLETS PARA SA E-LEARNING

/ 5 September 2020

UPANG makatulong sa mga pangangailangan para sa pagpapatupad ng online distance learning, namahagi si Las Piñas Lone District Rep. Camille Villar ng mobile tablets sa ilang guro sa kanilang lungsod.

Kabilang ang mga guro sa Las Piñas City National Senior High School-Talon Dos Campus sa mga unang nabiyayaan ng tablets para kanilang magamit sa pagsasagawa ng virtual classes at paggawa ng video lesson learning modules.

“This will give teachers access to technology needed during this period,” pahayag ni Villar.

Buko sa tablets, namigay din ang kongresista ng face masks at face shields sa paaralan.

Una nang nag-donate ang mambabatas ng tatlong RISO machines sa DepEd-Las Piñas para magamit sa pag-iimprenta ng modular learning program materials sa iba’t ibang paaralan.

Nangako naman si Villar na paunang donasyon pa lamang ito sa sector ng edukasyon sa gitna ng kanilang pagsisikap na makatulong upang malagpasan ang krisis dulot ng Covid19 pandemic.

“We are aware of the various challenges that teachers, children and their parents are facing – that is why we are doing this to help facilitate learning. As schools go online, we are dedicated to helping in any way we can,” idinagdag pa ni Villar.