Nation

LAPTOP, INTERNET ACCESS BASIC NEEDS SA SCHOOL NA DAPAT TUGUNAN NG GOBYERNO — LAWMAKER

/ 28 November 2020

AMINADO si Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture chairman Sherwin ‘Win’ Gatchalian na malaking hamon ngayon sa gobyerno na tiyakin na ang bawat estudyante ay may gadgets at internet access.

“It is now a challenge to the government to make sure that every child has a computer or laptop and internet access at home,” ayon kay Gatchalian.

Binigyang-diin ni Gatchalian na lumilitaw sa mga assessment mismo ng Department of Education na basic requirement na sa pag-aaral ang computer/laptops at internet access.

Ito ay batay sa presentasyon ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan kaugnay sa Pro-gramme for International Student Assessment kung saan lumitaw na naging malaking disadvantage sa mga estudyanteng Pinoy ang kawalan nila ng digital literacy.

“We have to find ways and means to finance that basic requirement that every learner should have it,” diin pa ni Gatchalian.

“One dream really for the next few years, is one laptop, one internet access for all learners and we cannot wait for 10 years to make that happen. So we will find ways to achieve that,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin naman ni Senador Nancy Binay na bukod sa mga estudyante, mahalaga rin ang access at training ng mga guro sa paggamit ng mga gadget.

Samantala, nagpahayag din ng pangamba si Binay na lalong lumawak ang gap sa antas ng pagkatuto sa pagitan ng mga estudyante sa mga pribadong paaralan at sa mga pampublikong paaralan sa gitna ng umiiral na sistema ng pag-aaral sa panahon ng Covid19 pandemic.

Ito ay dahil sa limitadong face-to-face online interaction ng mga estudyante sa mga guro bunsod na rin ng kawalan ng gadgets at access sa internet.

“My fear is unang-una compared to private schools, ‘yung public school students natin wala talagang regular access to their teacher. Ang fear is baka sobrang ma-left behind ang mga public school students compared sa private,” pahayag ni Binay.

Inihayag naman ni Malaluan na may mga pagkakataon na ang mga guro sa pampublikong paaralan ay nagsasagawa ng online communication sa kanilang mga estudyante para gabayan ang mga ito sa pagsagot sa kanilang learning modules.

Kasabay nito, kinumpirma ng DepEd official na may mga modules na bumabalik sa mga guro na hindi kumpleto ang sagot o hindi natatapos gawin ng mga estudyante kaya patuloy ang pagsasagawa nila ng adjusments upang matiyak ang pagkatuto ng mga estudyante.