Nation

LALAKING NALUNOD SA LAGUNA ‘DI MAGHAHATID NG MODULES — DEPED

/ 27 November 2020

MARIING pinabulaanan ng Department of Education ang napaulat na nalunod umano ang isang lalaki sa Laguna habang inihahatid ang mga modyul.

“[We] would like to shed light on misinformation being spread on the passing of a learner along with three other out-of-school youth in Binan, Laguna,” sabi ng DepEd sa opisyal na pahayag nito.

Taliwas sa mga balita at mga kumakalat sa social media, sa insidente na nakarating sa Schools Division Office ng Biñan at sa pulisya, ang mga biktima ay hindi nalunod sa tangkang paghahatid ng mga self-learning module.

Batay sa report ng pulisya, ang estudyante at ang tatlong menor de edad na kasama nito ay umalis para ihatid ang mga damit ng mga mangingisda na ama ng dalawang biktima. Kinumpirma ito mismo ng mangingisda na ama ng isa sa mga biktima.

At sa araw ng insidente, sinabihan agad ang publiko na sarado ang mga paaralan dahil sa nakaraang bagyo at pagbaha kaya maging ang retrieval sa mga learning material ay suspendido rin.

Samantala, hinihikayat ng DepEd ang field offices nito na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng academic ease measures sa distance learning set up upang matiyak ang kaligtasan at well-being ng mga mag-aaral, mga guro at iba pang DepEd personnel, lalo na sa panahong ito.

“We must not compromise anyone’s health and safety in our mission to deliver quality education,” sabi ng DepEd.

“We are saddened to learn about their sudden passing, and we are sending our deepest condolences to the grieving families and friends of the victims as we pray for their eternal repose,” dagdag pa nito.