Nation

LABOR EDUCATION SA TERTIARY LEVEL GAWING REALISTIC — SENADOR

/ 9 October 2020

HINIMOK ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Senador Joel Villanueva na gawing ‘realistic’ ang saklaw ng isinusulong na labor education sa tertiary level upang hindi naman mahirapan ang mga estudyante.

Sa intepellation sa Senate Bill 1513 o ang proposed Labor Education Act, napansin ni Drilon na ang mga subject sa ilalim ng labor education ay maituturing nang dalawang major subject sa Law School.

“This is quite a menu that you would want to insert into core general education subjects. Baka po naman masyadong malaki itong menu na ilalagay sa ating curriculum,” pahayag ni Drilon.

“I do hope the sponsor can open his mind to the fact that the enumeration here of all the laws the student will be bombarded with will require 6 units in law school,” dagdag ni Drilon na isa ring abogado.

Tiniyak naman ni Villanueva, sponsor ng panukala, na tatanggapin ang isusulong na amendments ni Drilon upang maisaayos ang mga probisyon sa proposed Labor Education Act.

Layon ng panukala na mabigyang kaalaman ang mga estudyante sa Tertiary Education Level sa labor-related topics bilang paghahanda sa pagpasok nila sa trabaho.

Kabilang sa mga ipinasasama sa tertiary education ang labor  rights and workers’ welfare, role and contribution of labor to the national economy,  basic income taxation, minimum  labor standards on wage, overtime pay, night shift differential, holiday pay, leaves, etc., national and global labor situation and challenges at labor organization and political participation.

“There is no course subject that comprehensively covers labor education,” paliwanag ni Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor.

“We wanted to inculcate the culture of compliance among workers and employers… Marami po sa workers ang naabuso kasi kung titingnan natin, marami ang doon pa lang nakakarinig ano ba ‘yung occupational safety, ano ba ‘yung work standards,” dagdag pa nito.