KURSO PARA MAGING CONTENT CREATOR INIALOK SA TESDA-ACCREDITED SCHOOL
PARA magkaroon ng sapat na kaalaman at kinalaunan ay hanapbuhay, muling binuksan sa mga estudyante ang isang programa para makapasok at matuto ang mga ito bilang isang content creator.
Sa launching sa Nazareth Institute of Alfonso na TESDA-accredited, sinabi ni Wilbert Tolentino na mas palalawakin pa nila ang programang “content creation” for livelihood program na nag-aalok sa mga mag-aaral na magkaroon ng kaalaman sa video o content creation.
Mula 600 mag-aaral ay mayroon pang natitirang mahigit 200 na nagpapatuloy pa sa nasabing kurso kung kaya nais pa nilang palawigin ito.
Dahil dito ay nag-alok ang TESDA ng mga scholarship sa mga nais pumasok sa mundo ng video at content creation.
Bukod dito, nakipag-ugnayan na rin sila sa lokal na pamahalaan para masigurong ligtas ang naturang paaralan sa mga estudyante lalo pa’t sunod-sunod ang kalamidad gaya ng lindol at bagyo.
Samantala, kaliwa’t kanan na ang renovation na ginagawa nila sa paaralan para ma-modernize ang ilang kagamitan gaya ng paglalagay ng TV, pagpapalit ng mga black board at paglalagay ng basketball court.