KUNG PAPAYAGAN NANG LUMABAS ANG MGA BATA, BAKIT ‘DI PA PAYAGANG PUMASOK SA PAARALAN? — GATCHALIAN
KUMBINSIDO si Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian na malaking paraan upang bumilis ang pagbangon ng ekonomiya ang pagsisimula ulit ng face-to-face classes.
KUMBINSIDO si Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian na malaking paraan upang bumilis ang pagbangon ng ekonomiya ang pagsisimula ulit ng face-to-face classes.
Sinabi ni Gatchalian na sa pagbubukas muli ng face-to-face learning, maraming maliliit na negosyo ang matutulungan na kinalaunan ay makadaragdag sa progreso ng bansa.
Kabilang dito ang maliliit na tindahan sa paligid ng mga paaralan, mga schol bus o tricycle drivers na naghahatid-sundo sa mga estudyante at maging ang mga nagtitinda ng school supplies.
“Kung papayagan nang lumabas ang mga bata, bakit hindi pa payagang pumasok sa paaralan? Kung papayagan sila sa mall, bakit hindi payagang mag-aral? Tandaan natin, iba pa rin ang batang nag-aaral sa silid-aralan,” pagbibigay-diin ni Gatchalian.
Sinabi pa ng senador na mahalaga rin sa mga estudyante ang pakikisalamuha sa kanilang mga guro at kapwa bata dahil importanteng ma-develop din ang kanilang social skills.
Kasabay nito, muling nanawagan ang senador sa publiko, partikular sa mga guro at magulang, na makiisa na sa vaccination program ng gobyerno upang makabalik na sa normal ang sitwasyon.