KOREAN GOV’T SCHOLARSHIP APPLICATION BUBUKSAN NA SA PEB. 2023
BUBUKSAN na ang aplikasyon para sa Korean government scholarship program sa Pebrero 2023, ayon sa Korean embassy.
“GKS-Graduate degrees for year 2023 is scheduled to begin in February 2023. In February 2022, the Korean Embassy in the Philippines selected and recommended 14 applicants for 2022 GKS-G,” pahayag ng embahada.Ang GKS ay isang scholarship na pinondohan ng gobyerno na nagbibigay ng pagkakataon sa mga dayuhan na mag-aral sa mga unibersidad sa Korea at magsulong ng “mutual friendship” sa mga bansa.
Saklaw ng scholarship ang round trip airfare ticket, buwanang stipend, tuition and other fees, scholarship completion grant, Korean language training, at medical insurance.
Ang isang master’s degree program ay maaaring tumagal ng hindi bababa sa tatlong taon, isang taon para sa mga klase sa wikang Korean at dalawa para sa mismong pagkumpleto ng degree.
Para naman sa programa ng doktoral na degree, tumatagal ito ng hindi bababa sa apat na taon.