KOOPERASYON NG TELCOS VS ONLINE CHILD EXPLOITATION KAILANGAN — SENATORS
WELCOME development kina Senador Sherwin Gatchalian at Senadora Imee Marcos ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Telecommunications Commission na papanagutin ang mga internet service provider na pinapayagang magamit ang kanilang platform para sa online child exploitation.
Sinabi ni Gatchalian na ang direktibang ito ni Pangulong Duterte ay dagdag na dahilan din para madaliin ang pag-amyenda sa mga batas laban sa human trafficking.
“The President’s directives to curb the surge of online sexual exploitation of children adds urgency to amending our laws on human trafficking. Last year, I filed Senate Bill No. 1794 to improve standards, guidelines, and methodologies on surveillance, interception, investigation, and prosecution of different forms of human trafficking — including prostitution and pornography,” pahayag ni Gatchalian.
Ipinaliwanag ng senador na sa isyu ng child trafficking, binibigyang mandato sa panukala ang regional trial courts na bigyang awtoridad ang law enforcers na magsagawa ng surveillance at i-record ang anumang komunikasyon at impormasyon ng isang taong hinihinalang sangkot sa trafficking.
Nakapaloob din sa panukala ang pagmamandato sa Internet Service Providers na mag-install at i-block at i-filter ang anumang access sa anumang uri ng child pornography.
“Tourism-oriented establishments, on the other hand, will be mandated to build their capacity to recognize and report human trafficking crimes,” pahayag pa ni Gatchalian.
“Napapanahon na para paigtingin natin ang pagsugpo sa ganitong uri ng karahasan sa ating mga kabataan, lalo na’t pinalala ng pandemya ang suliraning ito,” dagdag pa ng senador.
Nagpasalamat naman ni Marcos sa Pangulo kasabay ng pagsasabing dapat talagang iprayoridad ng mga telco ang kapakanan ng kabataan.