Nation

‘KONSIYERTO SA PALASYO’ PARA SA MGA GURO

/ 20 September 2023

INANUNSIYO ng Palasyo na magdaraos ito ng “Konsiyerto sa Palasyo” sa Oktubre 1 bilang regalo sa mga guro sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month.

“A night full of music from our talented performers is our gift to our beloved teachers,” ayon sa post ng Presidential Communications Office.

Magkakaroon din ito ng live streaming sa Facebook page Konsyerto sa Palasyo, ayon sa PCO.

Sinabi ng PCO na daan-daang guro ang bibigyang pagkilala para sa kanilang dedikasyon na magturo sa mga estudyante.

Ang Oktubre 5 ay idineklara bilang “National Teachers’ Day” sa ilalim ng Republic Act No. 10743, na nilagdaan noong 2016.

Ang ‘Konsyerto sa Palasyo’ ay unang idinaos noong Abril 2023 upang kilalanin ang pagsisikap ng Armed Forces of the Philippines.

Sinundan ito ng isa pang konsyerto noong Agosto, sa pagkakataong ito bilang pagkilala sa mga atletang Pilipino.