Nation

KOMPREHENSIBONG SEX EDUCATION IPINASASAMA SA CURRICULUM

/ 11 March 2021

IGINIIT ni Bukidnon Rep. Maria Lourdes Acosta-Alba na panahon na upang isulong ang komprehensibong sexual education sa academic curriculum sa gitna ng patuloy na pagtaas ng teenage pregnancies.

Binigyang-diin ng chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality na kailangang mamulat ang mga estudyante sa komprehensibong sex education upang maitanim sa kanilang mga isipan na sagrado ang pakikipagtalik at dapat itong gawin sa tamang panahon.

Sa Ugnayan sa Batasan media forum, sinabi ni Acosta-Alba na mahalagang malaman ng mga kabataang estudyante ang kahalagahan ng kalusugan sa responsableng pakikipag-sex

“Apparently kulang ‘yung community-based education and information campaign, and even sa curriculum sa formal education. I think we really need to integrate that in our curriculum, ‘yung comprehensive sexuality education,” pahayag ng mambabatas.

Idinagdag pa ni Acosta-Alba na dapat malaman ng mga estudyante kung papaano magiging malusog at responsable sa pakikipagtalik.

“Our teenagers have to have a sexuality na safe, responsible and healthy and to really drum it up sa kanila, tungkol sa mga risky behaviors when you engage in early sex and how this will have a detrimental effect on their future,” diin pa ng kongresista.

Binigyang-diin pa ng lady solon na mahalaga ang nagkakaisang pagtugon ng lahat ng mga institusyon para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy na lubha nang nakaaalarma.

“That’s the reality, it’s really happening. We cannot turn a blind eye on this disturbing phenomenon. Dapat magtulungan tayo how we can all find ways to really deal with this and address this — in our schools, our homes. Bottomline is really changing our mindset,” dagdag ng mambabatas.

“We need to also equip not only our teachers, but our parents kasi more or less sa culture natin taboo ang pag-discuss ng sex to our children.  That’s one thing that we have to hurdle, ‘yung ganyang mindset na it is ‘no, no’ to even talk about sex at home. But with the reality on the ground, with all the alarming statistics, we really need to do something”, paliwanag pa ni Acosta-Alba.