KLASE SA MAHIGIT 23,000 ISKUL SUSPENDIDO DAHIL SA PINSALA NI ‘ODETTE’
NASA 23,290 eskuwelahan sa Visayas at Mindanao ang nagsuspinde ng klase dahil sa pinsala ng bagyong Odette, ayon sa Department of Education.
NASA 23,290 eskuwelahan sa Visayas at Mindanao ang nagsuspinde ng klase dahil sa pinsala ng bagyong Odette, ayon sa Department of Education.
Sinabi ng ahensiya na 671 paaralan sa walong rehiyon ang ginamit bilang evacuation centers, kung saan mahigit 10.7 milyong estudyante ang naapektuhan ng bagyo.
Kamakailan ay binisita ni Education Secretary Leonor Briones ang Dauin Central School at iba pang paaralan sa Negros Oriental upang suriin ang mga pasilidad at gusali.
Ayon kay Briones, sa kabila ng bagyo ay kailangan pa ring tiyakin na ang mga guro, school personnel at mag-aaral ay tinutulungan sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon.
Dahil sa pananalasa ng bagyo, nasa 3.16 milyong Pilipino ang nawalan ng supply ng koryente.
Ang mga lalawigan na nawalan ng supply ng koryente ay ang Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Bohol at Surigao del Norte.
Apektado rin ang Antique, Iloilo, Cebu, Negros Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur at Davao Oriental.