KLASE SA ILANG PAARALAN SUSPENDIDO DAHIL SA BAGYONG PEPITO
BAGAMAN online classes o distance learning ang ginagamit ngayong school year 2020-2021, ilang paaralan ang nagsuspinde ng klase ngayong araw dahil sa bagyong Pepito.
Nauna nang nagsuspinde ng klase ang Our Lady of Perpetual Succor College-Marikina mula pre-school hanggang kolehiyo. Ayon sa eskuwelahan, maaaring magkaroon ng interupsiyon sa internet connection dahil sa tuloy- tuloy na pag-ulan.
“In order to avoid possible connectivity problems during classes brought about by the continuous rains, classes are suspended in all levels tomorrow, October 21. Keep safe, everyone,” sabi nito sa isang post sa Facebook.
Samantala, suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa Coronado’s School of Quezon City.
Habang sa La Trinidad, Benguet ay suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas maging ang pasok sa trabaho.
Nauna nang sinabi ng Department of Education na malayang magsuspinde ng klase ang mga lokal na pamahalaan kapag ganitong may bagyo.