KARAPATAN NG BAWAT PILIPINO NA MAGPAHAYAG NG KANILANG SALOOBIN NIRERESPETO NG DICT, CICC
KINIKILALA at itinataguyod ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang karapatan ng bawat Pilipino na magpahayag ng kanilang saloobin, lalo na sa harap ng mga kaganapan na nagbubukas ng mahahalagang usapin sa bansa.
Sa isang Facebook post, tiniyak ni Atty. Renato ‘Aboy’ Paraiso, head ng CICC, ang pagkakaloob ng proteksiyon sa karapatang ito at ang pagkakaroon ng kapayapaan sa cyberspace.
“Sisiguraduhin namin na protektado ang karapatang ito at titiyakin na mananatili ang kapayapaan sa cyberspace,” sabi ni Atty. Paraiso.
Nangako rin siyang patuloy na magbabantay ang DICT at CICC laban sa mga magtatangkang sumira sa naturang karapatan at maghahasik ng kaguluhan sa cyberspace.
“Patuloy kaming magmamatyag at magbabantay para panagutin ang mga susubok na sumira sa karapatang ito at manggugulo sa cyberspace,” dagdag pa ni Atty. Paraiso.