Nation

KALIGTASAN NG MGA ESTUDYANTE SA SCHOOL BUS PINATITIYAK NG KONGRESISTA

/ 23 January 2021

ISINUSULONG ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund Villafuerte ang panukala para sa pagbalangkas ng school bus safety standards.

Sinabi ni Villafuerte na layon ng kanyang House Bill 8368 o ang proposed School Bus Safety Act na tiyakin ang kaligtasan ng mga school children.

“To achieve this objective, it is essential that the state shall prescribe minimum design standards of school buses for the safety of the student passengers,” pahayag ni Villafuerte sa kanyang explanatory note.

Minamandato rin sa House Bill 8368 ang pagbuo ng mga regulasyon upang mabawasan ang vehicular accidents.

Batay sa panukala, magpapatupad ang Department of Transportation ng proficiency standards para sa school bus drivers para sa kanilang professional license.

Babalangkas din ng mga regulasyon para sa paglalagay ng driver at passenger seatbelts kasama na ang lap safety belts o iba pang child safety devices sa mga school bus.

Ang mga bus na hindi makatutugon sa requirement ay hindi papayagang makapagrehistro o makapagmantina ng school bus service.