KALIGTASAN NG MGA BATA SA LIMITED F2F CLASSES TINIYAK NG PALASYO
PINAWI ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang pangamba ng publiko hinggil sa pilot implementation ng face-to-face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng Covid19.
PINAWI ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang pangamba ng publiko hinggil sa pilot implementation ng face-to-face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng Covid19.
Sa kanyang commentary show na Counterpoint, tiniyak ni Panelo na nakahanda ang Department of Health na siguraduhin na magiging ligtas ang mga bata sa pagsasagawa ng in-person classes sa mga piling paaralan.
“Basta ang pagpapatupad po ng face-to-face classes, magiging ligtas po iyan. At saka doon lang naman gagawin iyan sa talagang walang Covid na lugar o mangilan-ngilan lang. So, safe ito,” sabi ni Panelo.
Inaprubahan ni Presidente Rodrigo Duterte ang limited face-to-face classes sa may 120 public at private schools sa low-risk areas.
Paliwanag ni Panelo, pinayagan ni Duterte ang pilot run ng face-to-face classes base sa rekomendasyon ng mga ekspeto.
Ikinasa na rin, aniya, ng Department of Education ang mas mahigpit na ang health protocols para mapanatiling ligtas ang mga bata mula sa Covid19.
“Ipatutupad nila ang pinakamahigpit na health standards and they will observe extreme precautions. At hindi naman lahat eh ipatutupad sa lahat ng eskuwelahan,” dagdag ni Panelo.