Nation

KALIDAD NG EDUKASYON SA PNPA IAANGAT NI PNP CHIEF AZURIN

/ 4 August 2022

SA KANYANG pag-upo bilang ika-28 hepe ng Philippine National Police, isa sa pinag-aaralan ni General Rodolfo Azurin Jr. ang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Philippine National Police Academy.

Magsisimula, aniya, ito sa maayos na trato at benepisyo ng mga kadete ng nasabing police state academy na nasa Camp Castaneda, Silang, Cavite.

Upang mabilis at walang sagabal na makamit ang Ambisyon 2040 at sumunod sa road map ng PNP Patrol Plan 2030, nararapat na maging maganda ang pag-aalalay sa akademya.

Isa sa nais na maganap ni Azurin ay ang matanggap din ang mga kadete sa PNPA ang natatanggap na benepisyo ng mga kadete sa Philippine Military Academy.

Halimbawa nito, habang nasa akademya ang PMA cadets ay mayroon na itong benepisyo gaya ng suweldo na parang government employee.

“Isa sa gusto kong mangyari ay maging katulad ng benepisyo ng PMA cadets ang PNPA cadets na nakatatanggap ng benepisyo habang nasa akademya,” bahagi ng inaugural speech ni Azurin.