KAKULANGAN NG TEXTBOOKS SA PUBLIC SCHOOLS MALAKING PROBLEMA NG EDUKASYON
AMINADO si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian na isa sa malaking problema ng edukasyon sa bansa ang kakulangan ng mga libro.
AMINADO si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian na isa sa malaking problema ng edukasyon sa bansa ang kakulangan ng mga libro.
Partikular na tinukoy ni Gatchalian ang report ng 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM 2 na sa kabila ng P12.6 bilyong alokasyon para pambili ng mga libro sa mga taong 2018-2022, wala pang P1 bilyon ang aktwal na nagastos.
“Itong EDCOM 2 First year report ay masakit man pakinggan pero importante mailahad namin ang katotohanan at ano ang nakikita natin. Magigising lang tayo kung alam natin ang katotohanan. Masakit man pakinggan pero importante malaman natin yan,” pahayag ni Gatchalian.
“At isa sa pinakamalaking problema na nakita namin, ay yung pagbibili, paggagawa at pagdidistribute ng libro. Alam ko kumplikado ito dahil meron tayong 23 million students in our public schools nationwide at kung bibili tayo ng pitong klaseng libro kada isang estudyante ay napakahirap talagang gawin,” paliwanag pa ng senador.
Binigyang-diin ng senador na napakahalaga ng mga libro para sa pag-aaral ng mga bata.
“Marami nang pag-aaral akong nakikita na kapag ang bata may sariling libro, gumagaling siya, tumatalino tumataas ang kanyang grado. Pero nakita namin dahil nga centralized ang pagbili ng libro, at napakadaming mga problema sa procurement process ay nadedelay ang pagbili at pagdistribute ng libro at ito ay isang bagay na sinasabi namin sa DepEd na dapat maiayos,” dagdag pa ni Gatchalian.