KAHANDAAN SA PAGBUBUKAS NG KLASE PINABUBUSISI
NAIS ni Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian na magsagawa ng pagsisiyasat hinggil sa kahandaan ng mga paaralan sa ligtas na pagbubukas ng klase sa School Year 2021-2022.
Sa paghahain ng Senate Resolution 739, sinabi ni Gatchalian na kailangan ding matukoy kung kinakalangan ng mga pagbabago sa batas o bumalangkas ng bagong mga panukala upang matiyak ang dekalidad na edukasyon sa gitna ng implementasyon ng distance learning at kahit magkaroon na ng face-to-face classes o iba pang alternatibong delivery mode.
Sinabi ni Gatchalian na simula nang ideklara ng World Health Organization ang Covid19 pandemic, mahigit 1.5 bilyong estudyante at kabataan ang naapektuhan dahil sa pagsasara ng mga paaralan at unibersidad.
“Beginning the School Year 2020 to 2021, and as aconsequence of school closures, the basic education sector resorted to alternative delivery modes of learning and instruction, including online classes, the use ofself-learning modules, and classes on broadcast via television, radio, and social media platforms,” pahayag ng senador sa resolution.
Aminado ang mambabatas na iba’t ibang problema ang naranasan hindi lamang ng mga estudyante kundi maging ng mga guro at magulang sa ipinatutupad na mga alternatibong sistema sa pag-aaral.
“These challenges include lack of gadgets, electricity, and internet connection; issues on the use of modules and the effect on one’s health; lack of appropriate learning space; lack of interaction and sufficient study to establish the effectiveness of online learning; pressure leading to depression; and too much screen time. The use of stress-causing modules and the issues on the lack of quality assurance in their preparation were likewise identified as challenges, not to mention the proliferation ofthe “sagot for sale” scheme,” sabi pa ng senador.
Binigyang-diin ni Gatchalian na sa gitna ng lahat ng ito, dapat nang magsagawa ng assessment sa effectiveness at mga problema sa pagsasagawa ng bagong sistema sa pag-aaral.
Ito ay upang makabuo ng mga solusyon sa mga problemang ito at hindi na maulit sa susunod na academic year.
Muli ring iginiit ng senador na sa gitna ng pagkakasama ng mga guro sa priority list sa vaccination rollout, maaari nang ikonsidera na simulan ang pilot face-to-face classes sa low-risk o zero-Covid areas.