KAHANDAAN NG MGA GURO SA BSKE TINIYAK NG DEPED
HANDA na ang mga guro na magsisilbi sa darating na barangay and Sangguniang Kabataan elections, ayon sa Department of Education.
“Our teaching and non-teaching personnel have and will continue to perform their duties and responsibilities as Electoral Boards, DepEd Supervisor Officials, Barangay Board of Canvassers, Support Staff, among others, in the elections, as part of their oath to safeguard and pave the way for all Filipino learners to a brighter future,” sabi ni Undersecretary for Operations Atty. Revsee Escobedo na siya ring chairman ng DepEd Election Task Force.
Nakatakdang magtalaga ang Kagawaran ng 494,662 guro sa darating na halalan, kung saan 382,793 ang magsisilbing Electoral Board; 25,196 ang DESO; 68,873 ang BBOCs; at 17,800 ang magsisilbi sa iba pang mga kapasidad tulad ng pagiging substitute, support staff, at poll clerk.
“As parents, role models, and public servants, it is our duty towards the Filipino to ensure that their rights are enforced, their quality of life improved, and the people’s voice heard. I sincerely believe that all of us gathered today are prepared to do what is necessary to safeguard our countrymen’s rights,” dagdag ni Usec. Escobedo.
Sa pamamagitan ng pagtatatag ng 2023 barangay and Sangguniang Kabataan Election Task Force alinsunod sa DepEd Memorandum Blg. 63 s. 2023, nangako ang ahensoya na magbibigay ito ng sapat na impormasyon at tulong teknikal at legal sa mga guro at non-teaching personnel sa kanilang pagseserbisyo sa Oktubre 30.
Nauna nang lumagda ang DepEd ng Memorandum of Agreement kasama ang Commission on Elections at Public Attorney’s Office para protektahan ang mga guro mula sa maraming paglabag sa halalan o mga reklamong administratibo.
Nagsagawa rin ito ng nationwide orientation at training para matiyak na alam ng mga miyembro ng task force ang pamamaraan sa pagsasagawa ng halalan.
Saklaw ng nasabing pagsasanay ang impormasyon tungkol sa pagboto sa mall, maagang pagboto para sa mga senior citizen at mga may kapansanan, mga pamamaraan sa pagboto bago, habang, at pagkatapos, at iba pang alalahanin.
Dagdag pa rito, pinaalalahanan ng Kagawaran ang mga opisyal at tauhan nito na huwag makialam nang direkta o hindi direkta sa anumang kampanya sa halalan o makisali sa anumang politikal na aktibidad maliban sa pagboto.