Nation

KABATAAN HINIMOK NA MAKIISA SA ELEKSIYON

/ 21 March 2021

HINIMOK ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Jane Elago ang lahat ng kabataan na maging aktibo sa mga aktibidad kaugnay sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.

“We need to sustain the energy of our young electorate to keep pushing for our demands and our aspirations since we can be the deciding factor in the 2022 elections,” pahayag ni Elago.

“The youth should participate at the fore. Kailangan na nasa harapan ang kabataan. Our large number puts us in a very powerful position to shape the outcomes of the next election,” dagdag ng kongresista.

Binigyang-diin ni Elago na dapat magkaisa ang kabataan upang mahikayat ang mga bagong botante na magparehistro at tiyakin ang 100 percent turnout sa eleksiyon upang maipaglaban ang human rights, justice at national sovereignty.

“As the Covid19 crisis has made clear, the decisions that our leaders make affect our lives and future in many ways, and so far, this has increased young people’s interest in civic engagement,” diin pa ng lady solon.

“We must get organized with a sense of urgency,” dagdag pa niya.

Mariin din niyang hinimok ang mga kabataan na makipagtulungan sa mas malawak na sektor ng mga manggagawa, magsasaka, urban poor hanggang sa national minorities para sa paghiling ng totoong pagbabago sa sistema para na rin sa interes ng sambayanan.